Isang taon ka na, anak.
Parang kailan lang noong nangangarap pa lang kami ng daddy mo na magkaroon kami ng anak.
Parang kailan lang noong nalaman namin na ipinagbubuntis na kita, isa't kalahating taon pagkaraan nang kami'y ikasal ng daddy mo.
Isang taon na pala ang nakalipas noong ipinanganak kita. Katulad ngayon, umuulan din noong ikaw ay lumabas sa mundo.
Maraming nagbago sa amin ng daddy mo noong ikaw ay kasama na namin. Mahirap pala ang maging magulang. Ngunit sa pagiging magulang din namin nadiskubri na kaya pala naming magmahal nang higit pa sa inaakala namin na kaya naming ibigay. Tunay na ang anak ay isang napakagandang biyaya ng Diyos sa mga magulang. Mapalad kami na mabiyayaan ng anak, lalo na ng anak na katulad mo: maganda, malusog at masaya. Habang buhay naming ipinagpapasalamat sa Diyos na kami ay naging mga magulang.
Ngayon na isang taon ka na, ipinagdiriwang namin ang biyaya ng buhay at pag-ibig. Ikaw, anak, ay bunga ng dalawang biyayang ito. Hangad namin sa iyo na magkaroon ka ng masiglang buhay na punung-puno ng pag-ibig. Hangad din namin na ibahagi mo ang mga biyayang iyong natatanggap. Hindi mo man ito naiintindihan pa sa ngayon. Ngunit balang araw ay mauunawaan mo rin ito.
Maligayang kaarawan, Toyang. Mahal na mahal ka namin.

posted from Bloggeroid