Friday, September 28, 2007

Love Team

I LOVE ITCHYWORMS! Hindi lang dahil mga kaibigan ko sila. Nakakatuwa at masarap kantahin ang kanilang mga awitin. Super happy ako sa pagsikat ng bandang ito!

Ito ang kanta nilang pinamagatang "Love Team". Gusto ko ang awiting ito pero ung music video hindi masyado (di ako fan ni Kim and Gerald). Pero ayus na rin! This song reminds me of a memorable past :)

Love Team

di naman talaga tayo magsinta
pero gusto nila
kahit ayaw mo bagay daw tayo
di naman totoo mga yakap mo
pang-eksena lamang ito
di mo lang alam
na nababaliw na’ko sa iyo
di ko na yata kaya to
ang aking lihim na pakay
ay ang lahat ng ito’y gawing tunay

Sana wag mong sisihin
kung di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo ‘ko
ngunit di naman seryoso
sana magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito

Sinungaling ka
kapag may tao ay nilalambing mo ko
pero pag wala ay sumasama ng turing mo sa ‘kin
ay parang haning bitin na bitin
di nila alam na sa dulo ng tagpo
di na patok ang linya ko
nag-iiba ang iyong asta
hanggang sa susunod na eksena

Sana wag mong sisihin
kung di ko kayang pigilin
sabi mo na mahal mo ‘ko
ngunit di naman seryoso
sana magkasingkulay
ang drama at tunay na buhay ko
ang tanging pag-asa ko
ay nasa tambalang ito

Friends


Thank you, Lord, for friends who love me, share my sorrows, bear my pain, laugh with me in celebration, need me as I need them, and give me the freedom to be myself. Bless them with good health, wholeness, life, peace and love. Amen.

Taken at the Ayala Museum, Makati City, Philippines
Posted by Picasa

Monday, September 17, 2007

Inspirational Message 6

Life's too short to wake up in the morning with regrets, so...

Love the people who treat you right.
Forget about the ones who don't.
Believe that everything happens for a reason.
If you get a chance , TAKE IT!
If it changes your life , LET IT!

Nobody said it would be easy...
They just promised it would be worth it!

Friday, September 7, 2007

Ibang Klaseng Pansit


Ang pansit ay isang sikat na lutuing Pilipino na minana mula sa mga Tsino. Medyo madalas makita sa hapag kainan ng mga Pilipino ang pansit, may okasyon man o wala. May iba-iba ring klase ng luto ng pansit: bihon, canton, luglug, palabok, etc.

Pero ang pansit sa larawan sa itaas ay sadyang kakaiba, pagkat ito ay gawa sa BUKO!

Ang galing 'di ba? Narinig ko lang sa mga kwentuhan ng mga principal sa Nueva Ecija na meron ngang ganito. Duon daw sa restaurant na ang pangalan ay Rustica. Kaya nang ako ay bumalik rito, niyaya ko ang aking mga kasama na duon kumain, dahil meron nga silang ibang klaseng pagkaing tulad nito. At adventurous naman sila sa pagkain, kaya ayan, umorder kami ng Pansit Buko!

Nung hindi ko pa sya natitikman, naisip ko na baka weird ang lasa nya. Pero tama ang mga principal, masarap nga ang pansit na ito! Malinamnam ang lasa nya. May halo kasing konting sabaw na malapot. At marami syang sahog na gulay, karne, hipon at pusit. Pwede syang papakin, at pwede ring iulam. Tiyak na babalikan ko ang pagkaing ito. Kung hindi man sa Nueva Ecija, meron ding branch ang Rustica sa Mother Ignacia St., Quezon City! Yey, ang lapit lang nun sa bahay namin!

Ayan, parang nagugutom na ako ngayon. Hay, hinay-hinay lang dapat ako!
Posted by Picasa