Monday, April 20, 2009

Ang kwento ng akala kong nawawalang bisikleta

Asan na ang bike ko?

Ito ang paulit-ulit kong sinasabi habang idinaraos ang pambungad na programa ng Tour of the Fireflies, isang taunang parada ng mga siklista, kung saan ako nag-volunteer bilang marshall. Ang mga kapwa ko marshall ay nakahanda na, samantalang ako naman ay hindi pa. Ilang beses kong kinulit si Doy tungkol sa aking bisikleta, dahil siya ang nagtatago nito, at dahil sinabi niya sa akin na ito ay kanyang dinala sa Tiendesitas isang araw bago ang tour. Paulit-ulit lang sa aking sinabi ni Doy na "Pinakuha ko na, parating na." Pero ako'y alalang-alala na hindi makapag-marshall dahil wala akong bisikleta.


Ito kami habang hinihintay ang bisikleta

Ngunit ilang sandali ako'y pinatawag sa stage. Iniisip ko, siguro tungkol ito sa bisikleta ko. Maya-maya naman ay tinawag si Doy. At nagsalita na nahanap na nya ang aking bisikleta.

Nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang Lynskey Performance Design na bisikleta (Iba kasing bisikleta ang hinahanap ko). Ang Lynskey frame ay gawa sa Titanium. Napakatibay nito, at built to last for a lifetime. Tapos lumuhod si Doy at sinabing "Will you ride with me forever?"


Bad trip lang dahil nakaharang ang flag



Naiyak ako sa tuwa. Si Doy magaling magsorpresa. So far, ito ang pinakamagandang sorpresa na kanyang ginawa :)


Syempre may kiss (pero take 2 na raw ito)! Kinikilig ako, pati na rin ang mga bikers na nakasaksi sa okasyong ito.

Sa totoo lang, wala akong masabi sa ginawang ito ni Doy. I'm so overwhelmed by so much love and happiness. I pray that we will ride together forever...


Ito na ako bago sumabak sa peloton

Salamat kay Rochelle Cuyco sa mga larawan.