- Mabayaran ang lahat ng mga utang. Noong nakaraang taon ay naging hirap ako pagdating sa aspetong pinansiyal. May mga maling desisyon ako nung mga nagdaang panahon tungkol sa paggastos ng kita. Maraming gastos sa aking pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng sanggol na hindi ko napaghandaan. Upang makatawid sa mga gastusing ito kinailangan kong mangutang ng pera. Nangutang ako sa bangko. Nangutang din ako sa aking mga magulang. Hangad ko na ngayong taong ito ay mabayaran ko na ang mga ito. At sana hindi na dumating ang pagkakataon na ako ay mangutang pa. Kaya ang susunod kong plano ay
- Makapagtabi ng kita, o mag-ipon. Kailangan makapagtabi ng mga kinitang pera o makapag-ipon upang matupad ang naunang plano! Pero bukod pa roon, kailangan talagang makapag-ipon para may mahuhugot sa oras ng pangangailangan at para makapag-"invest" o mapalago ang kita. Nawa'y mapalago ang kita sa pamamagitan ng mutual funds, stocks, o sa isang kahit na maliit na negosyo.
- Makapagpaayos ng bahay. Ito ay plano naming mag-asawa. Kung kami ay makakapagtabi ng pera gusto sana naming maipaayos ang ilang mga bagay sa aming bahay. Mahalaga ang pagpapaayos ng bahay para ito ay maging mas ligtas para sa aming lumalaking anak. Maraming kailangang ayusin sa bahay pero sana maisagawa namin ang kahit isa man lang na "home improvement" project ngayong taon.
- Makatapos ng pag-aaral sa Masters. May isang dekada na akong nag-aaral ng aking Masters. Napakahabang panahon na ito. Nahirapan akong tapusin dahil sa ilang mga importanteng mga pangyayari sa aking buhay at dala na rin ng kakulangan ng pondo para tapusin ito. Sana sa maiipon kong pera ay makapaglaan ako ng pondo para matapos ang aking Masters. O di kaya sana makahanap ako ng scholarship o magpopondo ng aking pag-aaral.
- Makapagbalanse ng oras sa trabaho at buhay (work-life balance). Ako ay isang nagtatrabahong ina at maybahay, o tinatawag ding "working mom". May mga pagkakataon na mas nagiging abala sa trabaho pero sana ay makapaglaan din ako ng kinakailangang panahon para sa aking pamilya at mga mahal sa buhay. Ngayong pagbubukas ng taon tinanggihan ko ang isang magandang trabaho dahil sa aking palagay ay mababawasan ang panahon na makasama ko ang aking pamilya. Sana ngayong taon ay mas makapaglaan ako ng higit pang oras sa pamilya sa pamamagitan ng pagtatrabaho mula sa bahay (work from home).
Wednesday, January 16, 2013
Ang mga plano ko ngayong 2013
May nabasa akong isang artikulo tungkol sa isang pag-aaral na ang mga taong nagsusulat ng kanilang mga plano o hangarin ay mas naisasakatuparan ang mga ito kaysa sa mga taong naisip lamang ang kanilang mga plano at hindi ito isinulat o ibinahagi sa iba. Kaya heto ako ngayon naglilista ng aking mga plano para sa taong ito, at umaasang maisasakatuparan ang lahat, o halos lahat ng mga ito.
Sunday, January 6, 2013
Yaya Drama
We hired a yaya for Toyang since I came back to work from my maternity leave. She has had two yayas for the last 5 months. We did not like the first yaya since she did want to follow our parenting style and plans thankfully we did not have to fire her since she was the one who left. We hired a second yaya who seemed nice and kind but is not consistent. We allowed her days off but she would arrive late which also affected our plans and jobs. So we fired her. Since our baby does not have a yaya yet we had been bringing her wherever we go. I had brought her to my office one day and she has gone to her dad's office the following day. It has not been easy these past days but I kind of enjoy it. Thankfully there is not much work at the office yet since we just had Christmas holiday but soon we will all be busy at work so we hope that we could find our baby a good yaya who will take care of her while we are at work.
Published with Blogger-droid v2.0.9
Subscribe to:
Posts (Atom)