Mukhang gusto ko na mag-bike commute.
After more than 2 years of biking around the streets of Metro Manila during weekends e ngayon ko lang talaga ito nasabi.
Sa totoo lang, palagi akong kinakabahan tuwing nagbibisikleta ako. Praning ako tuwing may nakakatabing mga mabibilis na mga jeep, bus, motorsiklo, kotse at ang mga pasaway na mga motorista. Sasabayan pa yan ng usok, dumi at init. Lumalakas lang ang loob ko dahil kasama ko si Doy. :) Gustuhin ko man mag-bike commute e tingin ko ay parang hindi ko kaya.
Kaya grabe rin ang kaba ko nang malaman na ang mga training rides ng mga marshalls sa Tour of the Fireflies (nag-volunteer kasi akong mag-marshall) ay gagawin sa EDSA! Isa na siguro ang EDSA sa mga kalye na pinaka-"unfriendly" sa mga siklista. Sa kabutihang palad ay natapos ko ang ride, kasama ng halos 80 siklista.
From this experience I realized that I am capable of biking around busy streets. Parang mas lumakas na ang loob ko. Na-realize ko na maybe I can already bike commute! Matagal ko na itong gustong gawin, at baka malapit ko na itong magawa. Anyway, mukhang wala pang 10 kilometro ang layo ng aking tirahan sa aking opisina :)
mga larawan ni renemartingo (mula sa http://www.pinoymtbiker.org)
5 comments:
Congrats on your engagement with Doy!
In my opinion you are not right. I am assured. I can prove it. Write to me in PM.
Post a Comment