Saturday, July 9, 2011

What's the most fun thing you have going on this week?

For the past three weeks, Doy and I have been conducting trainings on ICT Sustainability and Leadership for Public School administrators. It is tiring to conduct trainings and traveling, but it's all worth it!

Ask me anything

Tuesday, April 26, 2011

Happy Easter!

Happy Easter!

I have always loved the Easter Season. I grew up in a community that celebrated Easter heavily, as our parish church is Resurrection of Our Lord. But Easter has also impacted me in a very personal way.

Easter gives me hope for things initially thought hopeless. Easter is the great fulfillment of God's promise, whom I believe truly loves me. I know that the Lord has his plans for me, and I pray that I may be more sensitive and open to his leading.

Easter, to me, is also about new beginnings. New Beginnings are the two words in our wedding invitation, and we scheduled our wedding during the Easter season. But more than this special occasion in my life, it's also about starting anew and changing for the better.

So what does Easter mean to you?

Friday, April 15, 2011

Paalala para sa ika-13 Tour of the Fireflies


Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na lugar na dadaanan ng halos 10,000 siklista sa darating na ika-13 Tour of the Fireflies:
  • Ortigas Avenue patungong N. Domingo at Hemady sa New Manila (mula 7:00 hanggang 8:00nu)
  • E. Rodriguez Sr. Avenue patungong Quiapo (mula 8:00 hanggang 9:00nu)
  • Quiapo hanggang CCP na dadaan sa Roxas Boulevard (mula 9:00 hanggang 9:30nu)
  • Roxas Boulevard patungong Quiapo (mula 9:30 hanggang 10:30nu)
  • Espana patungong Gilmore sa New Manila (mula 10:30 hanggang 11:00nu)
  • New Manila patungong Tiendesitas sa Pasig na dadaan sa Ortigas (mula 11:00nu hanggang 12:00)
Inaanyayahan ang publikong palakpakan ang mga siklistang dadaan sa mga nasabing lungsod. Ibahagi ang paalaalang ito sa inyong mga kamag-anak at kaibigan.

Halos 10,000 siklista ang inaasahang dadalo sa biking event na ito. Para sa mga motoristang maiipit sa mabigat na daloy ng trapiko, ito ang ilan naming maipapayo:

  1. Ihinto ang inyong sasakyan para makatipid sa krudo.
  2. Ngitian at kawayan ang mga siklista. Mag-cheer kayo sa kanila!
  3. Huwag po kayong bumusina dahil ito ay noise pollution at makakataranta sa mga kasali. Bagkus, buksan ang radyo ng inyong sasakyan at ibahagi ang inyong sounds.
  4. I-text o i-tweet ang inyong mga kaibigan at sabihing kayo ay bahagi ng kasaysayan dahil nasasaksihan ninyo ang tour.
  5. Tanungin ang inyong sarili "Bakit wala pa akong bisikleta?" at magsimula nang magplano kung paano bubuuin ang iyong bisikleta para makasali sa tour sa susunod na taon.
  6. Kumuha ng mga litrato at i-upload ito sa iyong Facebook account.
  7. Kumuha rin ng video at i-upload sa YouTube.
  8. Abangan ang mga sikat na celebrity na kasama sa tour.
  9. Ang Abril 17 ay Linggo ng Palaspas. Iwagayway ang mga dala ninyong palaspas pagdaan ng mga siklista.
  10. Para sa mga kasong emergency, tawagin ang atensyon ng marshal, pulis o traffic enforcer.

Matapos ang ilang sandali, makikita ninyong nakadaan na ang lahat ng siklista at pwede na kayong dumaan. Salamat sa pagbabahagi ng ating mga kakalsadahan!

Para sa detalye ng ruta, tingnan ang http://fireflybrigade.org or http://facebook.com/fireflybrigade-phils o kaya'y tumawag sa 219.4985.


Tuesday, February 22, 2011

Bawal magkasakit

Isa sa mga bagay na ayaw ko ay ang pagkakasakit. Syempre pag maysakit ka, masama ang pakiramdam mo, limitado ang pwede mong gawin at ang pwede mong kainin (syempre kelangan banggitin ang pagkain dahil mahilig ako kumain!). Maraming bagay na hindi mo nae-enjoy pag ikaw ay maysakit.

Wala akong sakit ngayon pero ang asawa ko ay maysakit. Syempre apektado ako nito, dahil nahihirapan ako sa kanyang kalagayan. Parang maysakit din ako. Pero sa puntong ito kelangan malakas ako para maalagaan ko siya. Kaya dali-dali akong umalis ng opisina para mapuntahan siya at maalagaan. Tinatanong ko siya madalas kung ano ang kailangan niya. Na-touch ako sa kanyang sagot "Kelangan ko ng katabi". Aww, heto naman ako at tumabi sa kanya, at handang ibigay kung ano ang kanyang kailangan. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagkakataong ito para maalagaan ang aking asawa, at maipadama sa kanya ang pagmamahal. Hinihiling ko sa Panginoon na pagalingin ang aking asawa sa kanyang karamdaman.