Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na lugar na dadaanan ng halos 10,000 siklista sa darating na ika-13 Tour of the Fireflies:
- Ortigas Avenue patungong N. Domingo at Hemady sa New Manila (mula 7:00 hanggang 8:00nu)
- E. Rodriguez Sr. Avenue patungong Quiapo (mula 8:00 hanggang 9:00nu)
- Quiapo hanggang CCP na dadaan sa Roxas Boulevard (mula 9:00 hanggang 9:30nu)
- Roxas Boulevard patungong Quiapo (mula 9:30 hanggang 10:30nu)
- Espana patungong Gilmore sa New Manila (mula 10:30 hanggang 11:00nu)
- New Manila patungong Tiendesitas sa Pasig na dadaan sa Ortigas (mula 11:00nu hanggang 12:00)
Inaanyayahan ang publikong palakpakan ang mga siklistang dadaan sa mga nasabing lungsod. Ibahagi ang paalaalang ito sa inyong mga kamag-anak at kaibigan.
Halos 10,000 siklista ang inaasahang dadalo sa biking event na ito. Para sa mga motoristang maiipit sa mabigat na daloy ng trapiko, ito ang ilan naming maipapayo:
Matapos ang ilang sandali, makikita ninyong nakadaan na ang lahat ng siklista at pwede na kayong dumaan. Salamat sa pagbabahagi ng ating mga kakalsadahan!
Para sa detalye ng ruta, tingnan ang http://fireflybrigade.org or http://facebook.com/fireflybrigade-phils o kaya'y tumawag sa 219.4985.
Halos 10,000 siklista ang inaasahang dadalo sa biking event na ito. Para sa mga motoristang maiipit sa mabigat na daloy ng trapiko, ito ang ilan naming maipapayo:
- Ihinto ang inyong sasakyan para makatipid sa krudo.
- Ngitian at kawayan ang mga siklista. Mag-cheer kayo sa kanila!
- Huwag po kayong bumusina dahil ito ay noise pollution at makakataranta sa mga kasali. Bagkus, buksan ang radyo ng inyong sasakyan at ibahagi ang inyong sounds.
- I-text o i-tweet ang inyong mga kaibigan at sabihing kayo ay bahagi ng kasaysayan dahil nasasaksihan ninyo ang tour.
- Tanungin ang inyong sarili "Bakit wala pa akong bisikleta?" at magsimula nang magplano kung paano bubuuin ang iyong bisikleta para makasali sa tour sa susunod na taon.
- Kumuha ng mga litrato at i-upload ito sa iyong Facebook account.
- Kumuha rin ng video at i-upload sa YouTube.
- Abangan ang mga sikat na celebrity na kasama sa tour.
- Ang Abril 17 ay Linggo ng Palaspas. Iwagayway ang mga dala ninyong palaspas pagdaan ng mga siklista.
- Para sa mga kasong emergency, tawagin ang atensyon ng marshal, pulis o traffic enforcer.
Matapos ang ilang sandali, makikita ninyong nakadaan na ang lahat ng siklista at pwede na kayong dumaan. Salamat sa pagbabahagi ng ating mga kakalsadahan!
Para sa detalye ng ruta, tingnan ang http://fireflybrigade.org or http://facebook.com/fireflybrigade-phils o kaya'y tumawag sa 219.4985.
No comments:
Post a Comment