Showing posts with label UAAP. Show all posts
Showing posts with label UAAP. Show all posts

Monday, September 29, 2008

The UAAP Coaches


Got this picture from a friend. Not so sure what year this was taken. But it was about the time when Coach Norman Black (2nd row, middle) was coaching the San Miguel Beermen, while Franz Pumaren is one of the team's point guards (3rd from right). Magkasama pa sila sa San Miguel, my all-time favorite team sa PBA! Si Coach Norman has always been my all-time favorite coach. At ang all-time favorite player? Sorry, hindi yun si Franz Pumaren! 

Medyo huli na ang post na ito. Natapos na ang usaping Black vs. Pumaren sa UAAP, at alam na natin kung sino ang wagi, at sino ang sawi! It was just great to find this picture again.

Hector Calma forever!
Posted by Picasa

Wednesday, September 24, 2008

UAAP Awards

Lumabas na ang balita tungkol sa mga UAAP awardees sa artikulong ito mula sa Inquirer.

MVP: Rabeh Al-Hussaini (Ateneo)

Mythical 5:
Rabeh Al-Hussaini (Ateneo)
Jervy Cruz (UST)
Rico Maierhofer (DLSU)
Chris Tiu (Ateneo)
JV Casio (DLSU)

Rookie of the Year: Ryan Buenafe (Ateneo)

Sa Huwebes magaganap ang awarding ceremony. Sana kasabay na rin nito ang awarding sa CHAMPIONSHIP!

Sunday, August 3, 2008

Ateneo vs. UST

Gusto ko talaga mapanood ng live ang laro ng Ateneo at UST. Kasama kong nanood si Doy at si Cheska. Buti pinalad naman kaming makakuha ng Lower Box tickets sa Araneta (muntik na kami sa Upper B SRO!)! First time ko nakapanood nang ganun kalapit sa isang basketball game. Ganda ng view!

As always, masayang kasama ang aking kasintahan at kapatid sa ganitong mga okasyon. At mas napasaya ang aking panonood nang manalo ang Ateneo! Ang kapatid ko, kahit natalo ang team niya, ay mukhang masaya pa rin naman :)

Maganda ang pagtatapos na ito ng first round ng UAAP games para sa Ateneo. Sana tuloy-tuloy ang pagpanalo hanggang makaabot sa Championship!
Posted by Picasa