Thursday, December 31, 2009

Thank you 2009! Happy 2010!

In a few minutes, we'll be welcoming a new year!

2009 has been a busy and crazy year for me. I changed my job late this year, and also changed my thesis topic. These were difficult transitions in my professional and student life, but I consider myself blessed and thankful for these changes. I feel that these experiences opened up opportunities for me to learn and grow professionally in my chosen career.

The most memorable highlight of my year happened last April when I changed my status from being "In a Relationship" to "Engaged" in a grand proposal that I never imagined will happen to me. I'm looking forward to our wedding and having our own family.


Overall, I am truly thankful for this year, and I truly feel that the Lord took care of me. I'm looking and moving forward to the coming year, which is a few minutes away as I write this post.

Happy New Year!

Tuesday, November 10, 2009

Just installed Google Sidewiki

I'm trying out one of the newest Google tools called Google Sidewiki. To know more about it, go to this site: http://www.google.com/sidewiki/intl/en/.

in reference to: Google Sidewiki (view on Google Sidewiki)

Tuesday, October 27, 2009

Magkasama

Medyo magulo nitong nakaraang buwan, pero malaki ang aking pasasalamat sa iyo, sa iyong pagdamay at pagtulong sa akin, sa pagmamahal at inspirasyon. Ito ang ilan sa mga pinakamasasayang mga araw at linggo sa aking buhay. Babaunin ko ito sa pagsabak ko sa bagong trabaho sa darating na buwan.

Thursday, October 22, 2009

Updates

Kumusta naman ako?

Mapalad ako at ang aking pamilya na hindi naapektuhan ng pagbaha na dala ng bagyong Ondoy. Ngunit di naman ako pinalad dahil nung linggo ring iyon ay nawalan ako ng trabaho.

Yun na ang ikalawang beses na nawalan ako ng trabaho sa taong ito. Noong una ay nawala ngunit na-renew naman (naghintay lang ako ng ilang araw). Sa pagkakataong ito ay walang kaseguraduhan kung mare-renew pa ba o hindi.

Ako ay nalungkot, sobrang nag-alala at naguguluhan. Hindi pwedeng wala akong trabaho. Paano ko susuportahan ang pamilya ko? Paano ko mababayaran ang mga bills? Wala pa akong naiipon para sa kasal at sa pang-sustento sa aking pag-aaral.

Naging magulo ang buhay para sa akin. Nawala ang pokus ko sa paggawa ng thesis dahil kelangan ko maghanap ng trabaho. Nakahanap naman ako ng raket sa loob ng isang linggo, at pinagtuunan ko ito nang atensyon. Pero pagkatapos nun ay wala na naman akong trabaho. Binalikan ko ang paggawa ng thesis ngunit hindi na sapat ang oras para makapag-submit ako ng output dahil tapos na ang semestre.

Ngayon naman ay nagdatingan ang mga oportunidad para sa trabaho. May 2-3 trabaho akong pinagpipilian. Mukhang lumilinaw na ang mga bagay-bagay. Sana makagawa ako ng tamang desisyon tungkol sa trabaho. Sana umayos na rin ang buhay ko.

Wednesday, September 16, 2009

Ang aking thesis

Ang daming naging problema ng aking thesis:
  1. Ang unang proposal ko ay hindi tinanggap. Nagkaroon ng 2 klaseng rekomendasyon: ang isa ay "wide and shallow" at ang pangalawa ay si "narrow but deep".
  2. Pinili ko ang "narrow but deep". Nagawa ko ang initial work ngunit hindi nagawa ang pangalawa at pinakaimportanteng phase ng work dahil sa ilang mga kondisyon.
  3. So balik na naman ako sa umpisa, sa paggawa ng proposal. Gumawa ako at nag-submit.
  4. Nag-komento ang aking adviser at sinabing may kulang sa aking proposal. Ngayon ay pinasu-submit na lamang ako ng 5-page paper tungkol sa ano ba talaga ang gusto kong gawin.
Sa totoo lang po, AKO PO ANG PROBLEMA! Nahihirapan ako mag-concentrate. Marami kasing ibang concerns. Kasama na rin dito ang pagkawala ng gana sa paggawa, dahil sa frustration ko sa ilang mga pangyayari at mga problema. To the point na ayaw ko na ituloy! Kaya lang nanghihinayang ako sa oras, pagod at salapi (ito ang pinakamasakit) na iginugol ko, at ang pang-aabala ko sa ilang mga tao, sa paggawa ng thesis. Sana ay magawa ko na at matapos ito. Ipagdasal nyo po ako.

Tuesday, August 18, 2009

Edad 30

Ngayon ay ipinagdiriwang ko ang aking ika-30 kaarawan.

Nasasabik ako sa pagsampa ko sa edad 30. Sabi sa isang website, ang ibig sabihin daw ng 30 ay "being 3 x 10, denotes in a higher degree the perfection of Divine order, as marking the right moment" (http://www.biblestudy.org/bibleref/meaning-of-numbers-in-bible/30.html). Nasus sa edad 30 si Hesus nang magsimula sa kanyang misyon. Gayon din ang mga kilalang mga katauhan sa bibliya na sina Jose, David, Ezekiel, Juan Bautista, at Pablo.

Ngayon iniisip ko kung makakarating ako sa "higher degree of perfection". Pakiramdam ko na ang estado ng aking buhay sa ngayon ay malayo sa perpekto. Bagamat ganon ay marami akong dapat ipagpasalamat sa loob ng 30 taon. Nananalig at nananalangin ako na ako ay maging isang mas mabuting anak, kapatid, kaibigan... and in the near future a good wife and mother. I also pray for grace and blessings. Sana magawa ko ang kelangan kong magawa, at sana matupad ang aking mga pangarap.

Monday, July 27, 2009

I like this bike!


Kaya lang I can't afford it! Oh well, ang ganda nya tingnan, especially when Idol Lance Armstrong rode it at the Tour de France yesterday :)

Photo by Graham Watson from http://www.bikerumor.com/2009/07/26/graham-watson-photos-up-armstrongs-butterfly-contadors-yellow-black-madones/

More information on this bike here.

Thursday, July 23, 2009

Back to work

After more than 2 weeks of forced leave, I have come back to work at the office. What makes me wonder is that I'm still not in the rhythm of working at the office, considering that even while I was on leave I was working. Maybe because, and this is what I feared actually, is that I might have become so used to working at my own time and pace. And maybe also because I feel some frustration about some aspects about work, about my studies, about my life. So now that my mind is drifting away on what I'm supposed to do, here I am plurking, twittering, facebooking and blogging.

I'd love to have my focus and enthusiasm back for the things I am working on. Lord, help me!

Thursday, May 21, 2009

Just Go

I loved the rendition of this song sung this morning by Lionel Richie and my favorite among American Idol Season 8 contestants Danny Gokey

"Just Go"

It'd be so nice
If you didn't have to feel so lonely
It'd be so nice
If I could sneak you for a moment

I know you like to get away, go away, far away
To a place where there's just us two
Got a busy day, everyday but not today
'Cause I'm here to take that stress from you

So you can just chill and clear your head
And let me do everything for you
'Cause you deserve it
Prepare your meal and make your bed
Well, let just first make this with you
'Cause you are so worth it

I just want us to go
(Go, go)
Drop everything and just go
(Go, go)

I just want us to go
(Go, go)
Drop everything and just go
(Go, go)

Monday, April 20, 2009

Ang kwento ng akala kong nawawalang bisikleta

Asan na ang bike ko?

Ito ang paulit-ulit kong sinasabi habang idinaraos ang pambungad na programa ng Tour of the Fireflies, isang taunang parada ng mga siklista, kung saan ako nag-volunteer bilang marshall. Ang mga kapwa ko marshall ay nakahanda na, samantalang ako naman ay hindi pa. Ilang beses kong kinulit si Doy tungkol sa aking bisikleta, dahil siya ang nagtatago nito, at dahil sinabi niya sa akin na ito ay kanyang dinala sa Tiendesitas isang araw bago ang tour. Paulit-ulit lang sa aking sinabi ni Doy na "Pinakuha ko na, parating na." Pero ako'y alalang-alala na hindi makapag-marshall dahil wala akong bisikleta.


Ito kami habang hinihintay ang bisikleta

Ngunit ilang sandali ako'y pinatawag sa stage. Iniisip ko, siguro tungkol ito sa bisikleta ko. Maya-maya naman ay tinawag si Doy. At nagsalita na nahanap na nya ang aking bisikleta.

Nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang Lynskey Performance Design na bisikleta (Iba kasing bisikleta ang hinahanap ko). Ang Lynskey frame ay gawa sa Titanium. Napakatibay nito, at built to last for a lifetime. Tapos lumuhod si Doy at sinabing "Will you ride with me forever?"


Bad trip lang dahil nakaharang ang flag



Naiyak ako sa tuwa. Si Doy magaling magsorpresa. So far, ito ang pinakamagandang sorpresa na kanyang ginawa :)


Syempre may kiss (pero take 2 na raw ito)! Kinikilig ako, pati na rin ang mga bikers na nakasaksi sa okasyong ito.

Sa totoo lang, wala akong masabi sa ginawang ito ni Doy. I'm so overwhelmed by so much love and happiness. I pray that we will ride together forever...


Ito na ako bago sumabak sa peloton

Salamat kay Rochelle Cuyco sa mga larawan.

Wednesday, March 25, 2009

Mukhang gusto ko na mag-bike commute

Mukhang gusto ko na mag-bike commute.

After more than 2 years of biking around the streets of Metro Manila during weekends e ngayon ko lang talaga ito nasabi.

Sa totoo lang, palagi akong kinakabahan tuwing nagbibisikleta ako. Praning ako tuwing may nakakatabing mga mabibilis na mga jeep, bus, motorsiklo, kotse at ang mga pasaway na mga motorista. Sasabayan pa yan ng usok, dumi at init. Lumalakas lang ang loob ko dahil kasama ko si Doy. :) Gustuhin ko man mag-bike commute e tingin ko ay parang hindi ko kaya.

Kaya grabe rin ang kaba ko nang malaman na ang mga training rides ng mga marshalls sa Tour of the Fireflies (nag-volunteer kasi akong mag-marshall) ay gagawin sa EDSA! Isa na siguro ang EDSA sa mga kalye na pinaka-"unfriendly" sa mga siklista. Sa kabutihang palad ay natapos ko ang ride, kasama ng halos 80 siklista.


From this experience I realized that I am capable of biking around busy streets. Parang mas lumakas na ang loob ko. Na-realize ko na maybe I can already bike commute! Matagal ko na itong gustong gawin, at baka malapit ko na itong magawa. Anyway, mukhang wala pang 10 kilometro ang layo ng aking tirahan sa aking opisina :)



mga larawan ni renemartingo (mula sa http://www.pinoymtbiker.org)

Sunday, March 15, 2009

Tour of the Fireflies 2009


Put some fun between your legs! On April 19, 2009 ride your bikes together with 5,000+ others!

For more details, you may visit http://tourofthefireflies.multiply.com/.

Monday, March 9, 2009

Para sa mga kababaihan

Ngayong Marso ay buwan ng mga kababaihan. Ipagdiwang at isulong ang kanilang galing at kapakanan.

Bakit kelangang pahalagahan ang mga babae? Ayon sa The Girl Effect, importante na bigyang halaga ang mga kababaihan dahil malaki ang kanilang nagagawa sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad (tingnan ang fact sheet).

Maraming mga aktibidad, lokal at pandaigdigan, ang mga aktibidad para sa buwan ng mga kababaihan. Ang UNESCO at ang National Commission on the Role of Filipino Women ay ilan sa mga organisasyon na naghanda ng mga pagdiriwang sa espesyal na buwan na ito.

Ang Firefly Brigade, isang organisasyon ng mga siklista na nagsusulong ng malinis na hangin, ay magsasagawa ng women's month critical mass ride. At sa Tour of the Fireflies, itatampok ang mga kababaihan bilang mga Pace Marshall, ang mamumuno sa peloton ng mga libu-libong siklistang lalahok sa tour. Pipilitin kong makasama sa mga aktibidad na ito.


From Another bike!

Monday, February 23, 2009

My Valentine Gift



This is me right after trying out my new bike. A very nice Valentine gift, if you ask me. This is one of the bikes I'd love to have (see this blog entry). Wouldn't trade this for flowers, chocolates and fancy restaurant dinners. I hope this gift motivates me to get into cycling more seriously :)
Posted by Picasa

Wednesday, February 11, 2009

My music player!

Got tagged by Tricia. I'm tagging Crystal, Mel, Carl, Hobe, JM, Benny, Mia, Mike, Joy, Raissa and Tricia. Sobrang aliw ito!

RULES:

  1. Put your MP3 player, iTunes, Windows Media Player, etc. on shuffle.
  2. For each question, press the next button to get your answer.
  3. YOU MUST WRITE THAT SONG NAME DOWN NO MATTER HOW SILLY IT SOUNDS.
  4. Tag at least 10 friends (make me #11 so I can see your results).
  5. Everyone tagged has to do the same thing.
  6. Have Fun!

IF SOMEONE SAYS 'ARE YOU OKAY' YOU SAY?
After the Love Has Gone by Earth Wind and Fire (parang di yata ito tama)

HOW WOULD YOU DESCRIBE YOURSELF
Think It Over by Side A and ZsaZsa Padilla (kelangan ko nga yata pag-isipan ito hehe)

WHAT DO YOU LIKE IN A GUY/GIRL?
The Same Love by The Jets (hmmm)

HOW DO YOU FEEL TODAY?
Easy Kind O’ Love by Marvic Sotto (pang-Valentine’s Day!)

WHAT IS YOUR LIFE'S PURPOSE?
Together Again by Janet Jackson (kasi kanina after the love has gone. Ngayon together again naman!)

WHAT'S YOUR MOTTO?
Boogie Nights by Heatwave (‘Coz boogie nights are always the best in town!)

WHAT DO YOUR PARENTS THINK OF YOU?
Dancing Queen version ni Regine Velasquez (mahilig nga yata talaga ako sumayaw!)

WHAT DO YOU THINK ABOUT VERY OFTEN?
Smoke Gets in Your Eyes by Patti Austin (huh?)

WHAT IS 2 + 2?
Overjoyed by Stevie Wonder (oh enjoy talaga ako sa numbers haha!)

WHAT DO YOU THINK OF YOUR BEST FRIEND?
What Do We Mean to Each Other by Joe Pizzulo and Kevyn Lettau (di alam ang estado ng relationship)

WHAT IS YOUR LIFE STORY?
Everything I Own by Bread

Tuesday, February 3, 2009

Sunrise


(photos of the beautiful sunrise in the cities of Oroquieta and Dumaguete)

Good morning sunshine
Welcome the day to hope for
today, tomorrow...
Posted by Picasa

OroQUIETa City


Quiet = Peace

Took these pictures from Misamis Occidental National High School in Oroquieta City. Got really interested in their promotion of peace and peace education in their school. Looks like they are living up to the name of their city, where you can find at the middle of its name a word related to peace.
Posted by Picasa

Tuesday, January 6, 2009

Our photo during the gift giving ride

"Thank you, Doy and Maui, for gamely riding as Mr. and Mrs. Santa. You were a cheerful and happy sight to behold... especially on your tandem bike!" - Mia Bunao

Thanks to the Firefly Brigade for this wonderful opportunity! We had a lot of fun! Feeling celebrity kami that time :)

The rest of the photos and the short article can be found here.

Sunday, January 4, 2009

E-Bonding

Bagay na bagay ang comic strip na ito sa aming magkakapatid. Nang magkaroon ng wireless router sa loob ng bahay, at magkaroon kami ng sari-sarili naming mga netbook, parang katulad ng nangyayari sa comic strip ang nangyayari sa amin ngayon!