Thursday, October 22, 2009

Updates

Kumusta naman ako?

Mapalad ako at ang aking pamilya na hindi naapektuhan ng pagbaha na dala ng bagyong Ondoy. Ngunit di naman ako pinalad dahil nung linggo ring iyon ay nawalan ako ng trabaho.

Yun na ang ikalawang beses na nawalan ako ng trabaho sa taong ito. Noong una ay nawala ngunit na-renew naman (naghintay lang ako ng ilang araw). Sa pagkakataong ito ay walang kaseguraduhan kung mare-renew pa ba o hindi.

Ako ay nalungkot, sobrang nag-alala at naguguluhan. Hindi pwedeng wala akong trabaho. Paano ko susuportahan ang pamilya ko? Paano ko mababayaran ang mga bills? Wala pa akong naiipon para sa kasal at sa pang-sustento sa aking pag-aaral.

Naging magulo ang buhay para sa akin. Nawala ang pokus ko sa paggawa ng thesis dahil kelangan ko maghanap ng trabaho. Nakahanap naman ako ng raket sa loob ng isang linggo, at pinagtuunan ko ito nang atensyon. Pero pagkatapos nun ay wala na naman akong trabaho. Binalikan ko ang paggawa ng thesis ngunit hindi na sapat ang oras para makapag-submit ako ng output dahil tapos na ang semestre.

Ngayon naman ay nagdatingan ang mga oportunidad para sa trabaho. May 2-3 trabaho akong pinagpipilian. Mukhang lumilinaw na ang mga bagay-bagay. Sana makagawa ako ng tamang desisyon tungkol sa trabaho. Sana umayos na rin ang buhay ko.

No comments: