Wednesday, September 16, 2009

Ang aking thesis

Ang daming naging problema ng aking thesis:
  1. Ang unang proposal ko ay hindi tinanggap. Nagkaroon ng 2 klaseng rekomendasyon: ang isa ay "wide and shallow" at ang pangalawa ay si "narrow but deep".
  2. Pinili ko ang "narrow but deep". Nagawa ko ang initial work ngunit hindi nagawa ang pangalawa at pinakaimportanteng phase ng work dahil sa ilang mga kondisyon.
  3. So balik na naman ako sa umpisa, sa paggawa ng proposal. Gumawa ako at nag-submit.
  4. Nag-komento ang aking adviser at sinabing may kulang sa aking proposal. Ngayon ay pinasu-submit na lamang ako ng 5-page paper tungkol sa ano ba talaga ang gusto kong gawin.
Sa totoo lang po, AKO PO ANG PROBLEMA! Nahihirapan ako mag-concentrate. Marami kasing ibang concerns. Kasama na rin dito ang pagkawala ng gana sa paggawa, dahil sa frustration ko sa ilang mga pangyayari at mga problema. To the point na ayaw ko na ituloy! Kaya lang nanghihinayang ako sa oras, pagod at salapi (ito ang pinakamasakit) na iginugol ko, at ang pang-aabala ko sa ilang mga tao, sa paggawa ng thesis. Sana ay magawa ko na at matapos ito. Ipagdasal nyo po ako.

No comments: