I'm trying out one of the newest Google tools called Google Sidewiki. To know more about it, go to this site: http://www.google.com/
Tuesday, November 10, 2009
Just installed Google Sidewiki
Tuesday, October 27, 2009
Magkasama
Medyo magulo nitong nakaraang buwan, pero malaki ang aking pasasalamat sa iyo, sa iyong pagdamay at pagtulong sa akin, sa pagmamahal at inspirasyon. Ito ang ilan sa mga pinakamasasayang mga araw at linggo sa aking buhay. Babaunin ko ito sa pagsabak ko sa bagong trabaho sa darating na buwan.
Thursday, October 22, 2009
Updates
Kumusta naman ako?
Mapalad ako at ang aking pamilya na hindi naapektuhan ng pagbaha na dala ng bagyong Ondoy. Ngunit di naman ako pinalad dahil nung linggo ring iyon ay nawalan ako ng trabaho.
Yun na ang ikalawang beses na nawalan ako ng trabaho sa taong ito. Noong una ay nawala ngunit na-renew naman (naghintay lang ako ng ilang araw). Sa pagkakataong ito ay walang kaseguraduhan kung mare-renew pa ba o hindi.
Ako ay nalungkot, sobrang nag-alala at naguguluhan. Hindi pwedeng wala akong trabaho. Paano ko susuportahan ang pamilya ko? Paano ko mababayaran ang mga bills? Wala pa akong naiipon para sa kasal at sa pang-sustento sa aking pag-aaral.
Naging magulo ang buhay para sa akin. Nawala ang pokus ko sa paggawa ng thesis dahil kelangan ko maghanap ng trabaho. Nakahanap naman ako ng raket sa loob ng isang linggo, at pinagtuunan ko ito nang atensyon. Pero pagkatapos nun ay wala na naman akong trabaho. Binalikan ko ang paggawa ng thesis ngunit hindi na sapat ang oras para makapag-submit ako ng output dahil tapos na ang semestre.
Ngayon naman ay nagdatingan ang mga oportunidad para sa trabaho. May 2-3 trabaho akong pinagpipilian. Mukhang lumilinaw na ang mga bagay-bagay. Sana makagawa ako ng tamang desisyon tungkol sa trabaho. Sana umayos na rin ang buhay ko.

Wednesday, September 16, 2009
Ang aking thesis
Ang daming naging problema ng aking thesis:
- Ang unang proposal ko ay hindi tinanggap. Nagkaroon ng 2 klaseng rekomendasyon: ang isa ay "wide and shallow" at ang pangalawa ay si "narrow but deep".
- Pinili ko ang "narrow but deep". Nagawa ko ang initial work ngunit hindi nagawa ang pangalawa at pinakaimportanteng phase ng work dahil sa ilang mga kondisyon.
- So balik na naman ako sa umpisa, sa paggawa ng proposal. Gumawa ako at nag-submit.
- Nag-komento ang aking adviser at sinabing may kulang sa aking proposal. Ngayon ay pinasu-submit na lamang ako ng 5-page paper tungkol sa ano ba talaga ang gusto kong gawin.
Subscribe to:
Posts (Atom)