Friday, September 7, 2007

Ibang Klaseng Pansit


Ang pansit ay isang sikat na lutuing Pilipino na minana mula sa mga Tsino. Medyo madalas makita sa hapag kainan ng mga Pilipino ang pansit, may okasyon man o wala. May iba-iba ring klase ng luto ng pansit: bihon, canton, luglug, palabok, etc.

Pero ang pansit sa larawan sa itaas ay sadyang kakaiba, pagkat ito ay gawa sa BUKO!

Ang galing 'di ba? Narinig ko lang sa mga kwentuhan ng mga principal sa Nueva Ecija na meron ngang ganito. Duon daw sa restaurant na ang pangalan ay Rustica. Kaya nang ako ay bumalik rito, niyaya ko ang aking mga kasama na duon kumain, dahil meron nga silang ibang klaseng pagkaing tulad nito. At adventurous naman sila sa pagkain, kaya ayan, umorder kami ng Pansit Buko!

Nung hindi ko pa sya natitikman, naisip ko na baka weird ang lasa nya. Pero tama ang mga principal, masarap nga ang pansit na ito! Malinamnam ang lasa nya. May halo kasing konting sabaw na malapot. At marami syang sahog na gulay, karne, hipon at pusit. Pwede syang papakin, at pwede ring iulam. Tiyak na babalikan ko ang pagkaing ito. Kung hindi man sa Nueva Ecija, meron ding branch ang Rustica sa Mother Ignacia St., Quezon City! Yey, ang lapit lang nun sa bahay namin!

Ayan, parang nagugutom na ako ngayon. Hay, hinay-hinay lang dapat ako!
Posted by Picasa

No comments: