Wednesday, December 5, 2007

Awitin para kay Fr. Ronald

Ito ang awit na nilikha para sa ika-15 anibersaryo ng aming kura paroko na si Fr. Ronald Macale

===

PARI NG SAMBAYANAN

Intro: AM7 - DM7

Stanza Chords: AM7 - DM7 (2x) C#m7 - F#m7- Bm7 - E7sus E

Tinawag ka sa misyon

Na ilapit ang Simbahan sa tao

Upang ipadama ang pag-asa’t pag-ibig ng Diyos


Isang sinumpaang tungkulin

Na ginabayan ng dalangin

Ang maging tapat na lingkod ng Kanyang kawan


Refrain Chords: DM7 - C#m7 (3x) F#m - Bm7 - E

Salamat at nariyan ka

Sa ginhawa, lungkot at saya

Aming ama, pastol at kaibigan

Ikaw ay pari ng sambayanan


Inihandog ang buong sarili

Upang ang lahat ay mapabuti

Sa isip, sa damdamin, sa gawa at sa salita


Sambit sa bawat panalangin

Ang patnubay iyong tanggapin

Mula sa mahal na Diyos na muling nabuhay



No comments: