Monday, July 7, 2008

The Ateneo Basketball Team

It's UAAP season once again, at muli, excited na naman ako na manood muli ng mga laro ng Ateneo.

Elementary pa lang ako ay fan na ako ng Ateneo. Mga early 90s yun. Those were the days na may pagka-talunan ang Ateneo team. Pero cheer pa rin ako sa kanila. Napakatindi nga ng school spirit. Nakakahawa. Talagang "Win or Lose it's the school we choose"!

Nang tumuntong na ako sa kolehiyo, dun na unti-unting nagsimula na i-improve ang basketball program ng Ateneo. Naging masigasig na sa pagsa-scout ng mga magagaling na players at nag-hire ng mga mahuhusay na coach. Unti-unting umakyat sa standings ang Ateneo. Nakatuntong sa Final Four. Nagkaroon ng runner up finish nung 2001. At nung 2002, ito ay nagbunga ng championship.

Pero makalipas ang ilang taon ay hindi na ulit nagchampion ang Ateneo. Umaabot naman sa Final Four, pero heartbreaking ang mga pagkatalo nung 2006 at 2007. At last year nga, may isang "big" Ateneo supporter na nagsabi na "we have to win." Kung baga, mukhang hindi na acceptable ang mga runner up finishes. Kelangan manalo ng championship.

At mukhang sineryoso nga ang statement ng Ateneo benefactor. Seems like scouting and training were really taken seriously. Ateneo may have the best line up this year, maybe better than the team that won the championship in 2002. The pre-UAAP league championships and the first game against La Salle tells a lot about this team. Ika nga sa isang artikulo, this team is built to win. And I believe so. I hope the team really wins the championship.

Go ATENEO! One Big Fight!

No comments: