Wednesday, January 16, 2013

Ang mga plano ko ngayong 2013

May nabasa akong isang artikulo tungkol sa isang pag-aaral na ang mga taong nagsusulat ng kanilang mga plano o hangarin ay mas naisasakatuparan ang mga ito kaysa sa mga taong naisip lamang ang kanilang mga plano at hindi ito isinulat o ibinahagi sa iba. Kaya heto ako ngayon naglilista ng aking mga plano para sa taong ito, at umaasang maisasakatuparan ang lahat, o halos lahat ng mga ito.
  1. Mabayaran ang lahat ng mga utang. Noong nakaraang taon ay naging hirap ako pagdating sa aspetong pinansiyal. May mga maling desisyon ako nung mga nagdaang panahon tungkol sa paggastos ng kita. Maraming gastos sa aking pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng sanggol na hindi ko napaghandaan. Upang makatawid sa mga gastusing ito kinailangan kong mangutang ng pera. Nangutang ako sa bangko. Nangutang din ako sa aking mga magulang. Hangad ko na ngayong taong ito ay mabayaran ko na ang mga ito. At sana hindi na dumating ang pagkakataon na ako ay mangutang pa. Kaya ang susunod kong plano ay
  2. Makapagtabi ng kita, o mag-ipon. Kailangan makapagtabi ng mga kinitang pera o makapag-ipon upang matupad ang naunang plano! Pero bukod pa roon, kailangan talagang makapag-ipon para may mahuhugot sa oras ng pangangailangan at para makapag-"invest" o mapalago ang kita. Nawa'y mapalago ang kita sa pamamagitan ng mutual funds, stocks, o sa isang kahit na maliit na negosyo.
  3. Makapagpaayos ng bahay. Ito ay plano naming mag-asawa. Kung kami ay makakapagtabi ng pera gusto sana naming maipaayos ang ilang mga bagay sa aming bahay. Mahalaga ang pagpapaayos ng bahay para ito ay maging mas ligtas para sa aming lumalaking anak. Maraming kailangang ayusin sa bahay pero sana maisagawa namin ang kahit isa man lang na "home improvement" project ngayong taon.
  4. Makatapos ng pag-aaral sa Masters. May isang dekada na akong nag-aaral ng aking Masters. Napakahabang panahon na ito. Nahirapan akong tapusin dahil sa ilang mga importanteng mga pangyayari sa aking buhay at dala na rin ng kakulangan ng pondo para tapusin ito. Sana sa maiipon kong pera ay makapaglaan ako ng pondo para matapos ang aking Masters. O di kaya sana makahanap ako ng scholarship o magpopondo ng aking pag-aaral.
  5. Makapagbalanse ng oras sa trabaho at buhay (work-life balance). Ako ay isang nagtatrabahong ina at maybahay, o tinatawag ding "working mom". May mga pagkakataon na mas nagiging abala sa trabaho pero sana ay makapaglaan din ako ng kinakailangang panahon para sa aking pamilya at mga mahal sa buhay. Ngayong pagbubukas ng taon tinanggihan ko ang isang magandang trabaho dahil sa aking palagay ay mababawasan ang panahon na makasama ko ang aking pamilya. Sana ngayong taon ay mas makapaglaan ako ng higit pang oras sa pamilya sa pamamagitan ng pagtatrabaho mula sa bahay (work from home).
Sa mga nakakabasa nito, sana po ay matulungan ninyo ako na matupad ang mga planong ito ngayong taon, at nawa'y makapagbahagi rin kayo ng inyong mga plano para sa taong 2013.

4 comments:

Anonymous said...

Heya! I know this is kind of off-topic however I
needed to ask. Does managing a well-established website like yours take a lot of work?
I'm completely new to running a blog but I do write in my journal daily. I'd like to
start a blog so I can easily share my own experience and feelings online.
Please let me know if you have any kind of suggestions or tips for
brand new aspiring bloggers. Thankyou!

my web page - colombian coffee beans

Anonymous said...

Great article! This is the kind of information that are supposed to be shared around the internet.
Shame on the search engines for now not positioning this publish higher!
Come on over and seek advice from my site . Thanks =)

Also visit my web site; visit this site

Anonymous said...

I'm extremely inspired with your writing abilities as neatly as with the format in your weblog. Is that this a paid theme or did you customize it yourself? Anyway keep up the excellent high quality writing, it's rare to peer a great weblog like this one nowadays.
.

my blog post; Home income kit revieww

Anonymous said...

whoah this weblog is great i love studying your posts.
Stay up the great work! You know, many persons are searching round for this info,
you could help them greatly.

Here is my web-site ... Test Force Xtreme And Lean Muscle X