Friday, June 6, 2008

Sa wakas!




Ito ang larawan nina Ian at Maris nang sila ay kinasal noong Hunyo 1, 2008 sa lungsod ng Bacolod.

Sina Ian at Maris ay aking mga kaibigan. Kaklase ko si Maris noon sa kolehiyo. Sina Maris at Ian ay parehong miyembro ng Youth for Christ (YFC).

Naging saksi ako sa kanilang "love story" nang ito ay nag-uumpisa pa lang. Si Maris ay napaka-espesyal na tao, at bilang kanyang kaibigan, hiniling ko na ang makatuluyan ni Maris ay isang mabuting lalaki. Nakita ko naman kay Ian na mahal na mahal niya si Maris, kaya boto na ako sa kanya! :)

Mahaba-haba din ang kanilang "engagement" (mga 8 taon yata), kaya, sa wakas, ay nauwi din ito sa kasalan. Ako ang isa sa mga pinakamasayang tao sa pangyayaring ito, kaya hindi ko pinalagpas na ma-"witness" ang kanilang pag-iisang dibdib.

Ang ilan sa mga larawan ng aking biyahe sa Bacolod ay nasa http://picasaweb.google.com/mauisalang/MarisIanSWedding

No comments: