Tuesday, September 23, 2008

Ateneo vs. La Salle Game 1 Finals

Di na ako nag-abala pang bumili ng tickets at nanood na lamang sa Moro Lorenzo Sports Complex ng laro, kasama ng mga kapwa Atenista.

Masaya ako na nanalo ang Blue Eagles sa unang laban sa finals. gRabeh ang nilaro ni Rabeh Al-Hussaini, ang sentro at isa sa mga nangungunang kandidato para sa Most Valuable Player Award. Ang kanyang 31 puntos ay naglagay sa kanya sa record books bilang player na nagtala ng pinakamalaking puntos sa isang finals game.

Maganda rin ang nilaro ni Baclao. Ang 7 shot blocks ay marami para sa isang laro. Humuhusay si Nonoy sa pagiging isang defensive player. At lumalabas na rin ang kanyang 'angas'. Minsan naman kelangan ang angas para maipakita sa kalaban na seryoso ka sa laro at gusto mong manalo.

Nabawasan ang playing minutes ng Team Captain na si Chris Tiu dahil sa foul trouble, kaya rin nadagdagan ang playing minutes ni Rabeh.

Magaling ang depensa ng Ateneo ngunit hindi masyadong maganda na nagtala ang Ateneo ng maraming turnovers. Buti na nga lang magaling ang depensa at hindi nakapuntos ang La Salle.

As usual gRabeh ang aking sigaw at pagka-hyper ko kahapon, lalo na tuwing nakakapuntos is Rabeh. Sobra akong natuwa sa pinakita niyang emotions. Kitang-kita sa kanya ang kagustuhang manalo para sa Ateneo community. Nagkaroon sya ng interview kamakailan lang, na maaaring magpaliwanag sa kanyang gumagaling na performance sa UAAP. Ang interview ay makikita rito.

At ang block at sigaw (mukhang sigaw kasi sa TV) kay Rico Maierhoffer... wala akong masabi. Ito ang angas!

Sa pagtatapos ng blog entry na ito, nais kong ibahagi ang nabasa kong nakatutuwang talata. Ito ay mula rito.

Yuri-ka! Salamat at after a long wait nasa cham-tiu-nship ulit ang Ateneo. This season is a really big rabeh-lation. Good job-e Blue Eagles. Bombahin nyo ang oping-sa ng La Salle with a jai-namite. Baldos-er their defense, always block-lao their shots, and continue zig-zags-ging to create fast burke points. Justin time for them to be black-ed out. Lets see if makaka-salva pa sila.


Phew..I think I'm going to have a buenafever because of all this heat. So bring home the bacon guys.

Dalawang araw pa at game 2 na. Tapusin na natin ito! OBF!

No comments: