Tuesday, September 16, 2008

It's Ateneo vs. La Salle in the Finals!

Makalipas ang 6 na taon, muli na namang maghaharap ang Ateneo at La Salle sa kampeonato ng UAAP. Though mas gusto ko sana na FEU ang kalaban, a championship match against the arch rival is always interesting. Ang tagal na pala ng rivalry na ito: seventy years! Panahon pa ito nung college ang lolo ko. 

Sa UAAP, ito ang pang-apat na beses na maghaharap ang Ateneo at La Salle sa Finals. Nagkasagupa ang dalawang koponan noong 1988, 2001 at 2002. Nag-kampeon ang Ateneo noong 1988 at 2002, at ang La Salle naman noong 2001. Sino kaya ang magiging kampeon sa taong ito? Abangan!

Grabe ang fuss about the finals, as usual! At pahirapan na naman ang pagkuha ng tickets. Di na ko masyadong umaasa na makakapanood ng championship games live. Pero syempre, tuloy pa rin ang suporta. Tuloy-tuloy lang, Blue Eagles! OBF!

No comments: